Yippee! I got my mirage back last Monday night so after a month of not driving, I think I need to practice a lot. Last Tuesday I brought my car to the office, I had a headache when I arrived at the office. (I think there's something wrong with my driving skills...mantakin mong mahilo sa sariling pagmamaneho, di ba usually yung passengers lang naman ang nahihilo sa pagddrive ng mga drivers..hehehe ang weird! )
Now, I'm back to my normal routine every weekend kasi I can drive na going to palengke while the 3 boys are still sleeping. This is my routine (sometimes, I try to skip some of the chores but most of the time, I want to finish everything!)
5:30 - 6:00 wake up, getting ready for palengke!
6:00 - 7:00 done na sa palengke, sometimes, earlier pa ko nakakatapos..
ang pinapamalengke ko is yung food naman over the weekend for lunch, dinner, merienda. (sometimes, mais or saging na saba ang binibili ko for merienda. I cook the corn in the morning kaya sometimes, corn is our merienda in the morning, then, pag may natira, binabaon kung san man kami mapadpad ng afternoon if we feel like going out of the house.)
7:00 - 7:30 Prepare the breakfast and then, eat na kami. Then, my 3 boys will stay at entertainment room while I'm doing the "yaya" chores.
7:30 - 8:30 prepare all the food that I bought from palengke. Lilinisan, titimplahan then store sa ref.
8:30 - 9:30 Wash Ethan's feeding bottles while cleaning all the kalat from our breakfast and pagprepare ng food.
9:30 - 10:00 Papaliguan ang mga boys (syempre yung 2 anak ko lang hehehe pero pede din namang isama na rin si tatay, why not??) hahaha
10:00 - 11:00 linis ng house, CR (gosh! ngayong sinusulat ko ang gawain ko, bigla akong naawa sa sarili ko..hahaha "yayang yaya" pala talga ang dating ko.)
11:00 - Prepare the food for lunch, usually naman if kelangan magpalambot ng pork, sinasalang ko na siya while I'm doing other chores, so at this time e finishing touches na lang ang drama ng pagprepare ng food.
12 - 1pm Lunch time!
(Shocks! what time nga pala ako naliligo? hehehe, basta naisisingit ko dyan yun tapos di naman in chronological order ito, if I think magagawa ko na yung isang bagay, gagawin ko na.)
No wonder, kaya pala mukha akong busabos pag weekend! hehe then, afternoon, if gusto gumala then, gala kami but sometimes we choose to stay at home na lang.
Nakakapagod maging nanay pala tlaga, pag iisipin parang ang hirap Gawain nito pero pag nasimulan mo na at nasanay ka na, nakakapagod pa rin! hahahaha sulit naman! :) Tapos ang asawa ko, sasabihin di na ako nakakapanood ng movie with them, wala na kong time sa knila during weekend. E sino ang gagawa ng lahat ng yan???? aber!
Sana makakuha na kami ng yaya. Super thankful ako to my in-laws, at least sila ang gumagawa nyan para sa akin during weekdays :)
This is so TRUE!!! :)
No comments:
Post a Comment